AABOT sa 10 katao ang nasawi nang bumagsak ang pampasaherong eroplano sa mga bahay sa Plaridel, Bulacan, kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga namatay ang limang sakay ng Piper PA-23 Apache light aircraft at ang limang miyembro ng pamilya dela Rosa na residente ng Brgy. Lumang Bayan.
Sa inisyal na ulat na nakarating sa Civil Aviation Authority of the Philippines, pasado alas-11 ng umaga nang bumagsak ang eroplano sa mga kabahayan.
Kaagad umanong nagliyab ang eroplano nang bumagsak, ayon naman aa Bureau of Fire Protection ng Bulacan.
Sinabi rin sa ulat na maraming nasugatan sa insidente at kasalukuyang ginagamot sa mga ospital sa probinsya.
Nagpadala na ng mga imbestigador ang CAAP sa lugar upang alamin ang dahilan ng nasabing aksidente.
Habang iniimbestigahan ang pangyayari ay grounded muna ang operasyon ng Lite Air Express na siyang may-ari ng nasabing light aircraft.
Papunta sana sa Laoag City ang nasabing eroplano nang ito ay bumagsak ilang sandali makaraang mag-take off mula sa Plaridel Aiport.
Eroplano nag-crash sa bahay; 10 patay
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...