Sherlock Jr maraming aral para sa kabataan


SPEAKING of Sherlock Jr., mas lalo pang umiigting ngayon ang mga eksena sa pagpapatuloy ng kuwento ng mag-BFF na Jack (Ruru Madrid) at Siri the wonder dog.

Kaya naman hindi na rin ito mabitiwan ng mga manonood. Ayon sa ilang netizens na nakatutok sa istorya ng Sherlock Jr., napapanahon din ang mga isyung tinatalakay ng serye kaya hindi lang sila na-eentertain kundi marami rin silang natututunan.

Binigyang puntos ng nasabing netizen ang napanood niyang episode tungkol sa pagkaadik ng mga millennial sa internet at pakikipag-chat sa mga taong hindi naman nila kilala.

“It’s something very serious at maganda ang objective ng Sherlocl Jr sa pag-tackle nila sa isyung ito. At least, kahit paano’y nagsilbi itong warning sa mga kabataan na basta na lang nakikipagkita o nakikipag-eye ball sa mga taong nami-meet lang nila sa social media. Kudos GMA at sa buong production ng Sherlock Jr!” sabi ng nasabing viewer.

Ayon naman sa isa pang netizen, sana raw ay mas marami pang talakaying issue tungkol sa mga kabataan ang serye nina Ruru at Gabbi Garcia para mas maging makabuluhan ang bawat episode ng programa.

Read more...