Horoscope, March 17, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: May mga pagsubok muna, pero matapos ang mga pagsubok, inilaan ka ng langit sa malaking pagyaman. Pero may dapat kang gawin, kapag mayaman ka na, laging tumulong sa mga mahihirap at mga may kapansanan. Mapalad ang 6, 19, 28, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Wag kang makisawsaw sa problema ng iba, upang hindi ka madamay. Atupagin mo na lang mabuti ang mga bagay na pagkakaperhan. Sa pag-ibig, ang sarili mong kasuyo ang iyong paki-alaman. Mapalad ang 3, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansyal, wag kang umasa sa puhunan na hindi naman sa ‘yo. Dumiskarte ng sariling pagkakakitaan. Wag asa ng asa sa iyong amo, ang isipin mo ay kung paano ka magiging amo pag dating ng araw. Sa pag-ibig, tulungan mo ang kasuyo na makaraos hindi yong puro sarili mo lang ang iniintindi mo. Mapalad ang 6, 3, 22, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Lilac at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansiyal ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa gawaing pagkakaperahan malapit ka ng umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, hindi ka hahabulin ng iyong kasuyo, ikaw ang dapat na gumawa ng unang hakbang upang muling uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 17, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Pad-Me-Om.” Gry at gold ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Ngayon pa lang umpisahan mo ng ipractice ang diwa ng Holy Week. Magtago muna sa isang tahimik at malapit sa nature na lugar. Kapag nagawa mo yan, kusang mawawala ang lahat ng iyong problema at magkakaroon ka ng peace of mind. Mapalad ang 2, 7, 16, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Om-Durga!” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Upang hindi ka mahirapan sa kasalukuyang sitwasyon pabayaan mo lang na mangyari ang lahat ng iyan – mabuti man o masama, hayaan mo lang na dumaloy sa iyong harapan. Sa attitude na “Come what may and Let it be” higit kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 10, 28, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Upang magtagumpay mas mahalaga na sabihin mo ang iyong nararamdaman kaysa sa kung ano ang iyong iniisip. Sa pag-ibig, ipagtapat na sa minamahal ang laman ng iyong damdamin. Sa pinansyal wag hayaan makaalis ang isang kaibigang hindi mo na iaalok ang iyong produkto. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Lagyan ng lambing ang ginagawa. Higit na kikita ng malaking halaga kung uutuin ang kliyente sa pamamagitan ng matatamis na salita. Sa pag-ibig, mamayang hapon, uwian ang kasuyo ng tatlong pagkaing bilog, na kapag hinigop ang sabaw ay nakapagpapalaks ng tuhod. Mapalad ang 6, 9, 27, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kada-Bra!” Purple at maroon ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa tulong ng isang kaibigang Cancer may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa pag-ibig, aalialigid ang isang Aries na nuon pa may pagnanasa sa’yo at patuloy na naglalaway. Mapalad ang 6, 14, 25, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tuloy-tuloy na gaganda ang iyong buhay lalo na sa pinansyal at sa aspetong pangdamdamin. Ang kapalaran mo ay tulad din ng pisikal mong istura, mentras gumaganda lalong sinusuwerte at pinagpapala ng langit. Mapalad ang 3, 9, 29, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum!” Magenta at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Disiplina ang magpapaunlad at magpapaligaya sa relasyon. Wag abusuhin ang katawan sa mga gawaing wala namang kabuluhan. Laging isa isip ang pagpapayaman at laging alagaan ang kalusugan upang lalo pang humaba ang masasarap na karanasan mo sa buhay. Mapalad ang 7, 17, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Parang walang nangyayaring pag-unlad sa iyong buhay at puro kalungkutan na naman. Hindi ka dapat mabahala, ang pangyayaring ito ay isang uri ng malakas na buelo ng tadhana na sa sandaling bulamik sa iyo, puro suwerte at magagandang kapalaran na ang magaganap. Mapalad ang 4, 19, 20, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pinansyal, wag pang hinayangan ang nakaraang mga pagkalugi. Sa iyong mga pagkamamali, matututo ka na hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, matapos ang tampuhan, bati na naman kayo ng kasuyong sumpungin. Mapalad ang 2, 7, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.

Read more...