Road reblocking, repair itinakda sa QC, Taguig

NAGBABALA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista sa posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Quezon City at Taguig City sa harap ng isasagawang reblocking at pagkukumpuni na nakatakdang simulan ngayong gabi.
Sa isang advisory, sinabi ng DPWH na sisimulan muli ang reblocking at repair sa Quezon City at Taguig ganap na alas-11 ng gabi ngayong araw at magtatapos ganap na alas-5 ng umaga sa Lunes.
Tiniyak naman ng DPWH na matatapos ang gagawing pagkukumpuni at pawang madadaanan ang mga kalsada pagsapit ng Lunes ng umaga.
Kabilang sa reblocking at repair na isasagawa sa Quezon City ay ang northbound ng:
-Quirino Highway mula Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane
-Congressional Avenue mula San Beda Road papuntang Visayas Avenue, 1st lane
-EDSA sa harap ng Shell Gas Station papuntang Oliveros Street, 4th lane
-A. Bonifacio Avenue, mula Del Monte Street papuntang Mauban Street, outerlane.
Sakop din ng reblocking at repai ang southbound ng:
-A. Bonifacio Avenue na tatawid ng Sgt. Rivera, inner lane
-Visayas Avenue, sa harap ng Presidential Communications Operations Office, outerlane
Magsasagawa rin ng repair sa southbound lane ng C5 Road sa Taguig City.

Read more...