‘Kissing photo’ nina Angel at Neil pinusuan ng madlang pipol

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

MAY pa-kiss na sa pisngi si Neil Arce para sa girlfriend na si Angel Locsin base sa picture nila together sa Instagram.

Walang sinabing location kung saan kinunan ang kanilang litrato ng dalawa pero very obvious sa larawan ang kaligayahan ng magkasintahan.

Ang sweet smile ni Neil ang siyang nagpapalabas sa ngiti ni Gel kapag nakita ang BF. Kasama ng photo ang matamis na mensahe sa kaarawan ng kanyang boyfriend.

“To the guy who can charm me from across the room with just a smile. I hope this day brings everything you want and more! Happiest birthdays, my love,” caption ni Angel.

Isa sa mga nag-react sa post ni Angel ay ang kaibigan niyang si Marian Rivera na idinaan ang pagbati sa pamamagitan ng isang heart emoticon.

q q q

Itinali na si Zoren Legaspi ng GMA Network. Certified Kapuso artist na siya ngayon.

Pumirma ng kontrata si Zoren sa GMA Artist Center nitong nakaraang araw. Feeling at home ang actor-director sa Kapuso Network dahil dito siya nag-umpisa at unang nabigyan ng break sa pagdidirek.

Kapwa Kapuso na sila ng asawang si Carmina Villaroel na napapanood sa primetime series na Kambal, Karibal.

Ngayong magkasama na sila sa GMA, may chance nang magkasama uli sila sa isang project, huh!

Read more...