‘Sanib’ episode ng Kambal Karibal hataw sa rating


WALANG nagawa ang katapat na programa ng Kambal, Karibal sa pamamayagpag ng GMA primetime show. Patindi na nang patindi ang bawat episode nito kaya naman gabi-gabing tinututukan ng viewers at pinag-uusapan online.

Wagi nga sa ratings at trending pa ang episode na pinalabas nitong nakaraang Martes kung saan sukdulan na ang kasamaan ni Crisel (Pauline Mendoza) at nagawa niyang hatakin at ihulog sa bangin si Crisan (Bianca Umali).

Nahiwalay ang kaluluwa ni Crisan sa kanyang katawan at kahit nais niyang makabalik sinabi naman ni Crisel na patay na siya. Ito ang nakita niyang oportunidad para sumanib sa katawan ni Crisan at angkinin ang lahat na meron ang kambal lalo na si Diego (Miguel Tanfelix).

Maliban sa nakaka-hook at intense na episode kagabi, nakaka-bilib din ang galing na ipinakita ng mga artista sa pagganap sa kanilang mga karakter. Bukod kina Bianca, Pauline at Miguel, siyempre hindi rin matatawaran ang husay ng seasoned actors na sina Carmina Villaroel, Marvin Agustin at Christopher de Leon.

Kitang-kita ito sa confrontation at revelation scene kagabi kung saan nalaman na ni Geraldine (Carmina) na anak niya si Crisan. Sa takbo ng kuwento ng Kambal, Karibal talaga namang gabi-gabi itong tutukan lalo na’t nalalapit na ang pagtatapos nito sa Telebabad.

Read more...