Donita Nose, Tekla tuloy ang ligaya sa GMA


SA lahat ng mga nakaka-miss sa nakakatawa at nakakalokang tandem nina Donita Nose at Super Tekla, tumutok na sa Sarap Diva ng GMA 7 ngayong umaga.

Muling humalakhak sa palitan ng hugot at punchline ng dalawang pambatong komedyante ng Kapuso Network kasama pa si Gardo Versoza in a morning filled with Instawanan sa isa na namang espesyal na episode ng Sarap Diva hosted by Regine Velasquez.

Abangan ang mga ibibigay na challenges ng Asia’s Songbird sa kanyang mga special guest na siguradong magpapasabog ng good vibes sa mga manonood.

Aside from this, Gardo is also preparing his special recipe of Kare-Kareng Lechon Kawali na pwede n’yong ihain ngayong pananghalian para sa inyong pamilya.

At siyempre, may inihanda ring sorpresa ang nag-iisang Asia’s Songbird para ipaalala sa atin ang kahalagahan ng pagngiti.

Kaya huwag aabsent sa isa na namang pampa-good vibes episode ng Sarap Diva bago mag-Eat Bulaga.

Read more...