Operasyon ng MRT-3 limitado ngayong Holy Week

MRT

MAGIGING limitado ang operasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ngayong Holy Week, ayon sa pahayag ng Department of Transportation.

Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na normal ang kanilang operasyon hanggang Holy Tuesday, Marso 27.

Wala namang operasyon ang MRT mula Holy Wednesday, Marso 28 hanggang Eastern Sunday, Abril 1.

“The operations will be suspended on the said dates to give way to maintenance activities,” ayon pa sa pamunuan ng MRT-3

Babalik ang normal operasyon ng MRT-3 sa Abril 2, Lunes, sabi pa ng DOTr.

Read more...