Kinumpirma ng pamilya ni Rolly ang malungkot na balita. Siya ay 59 years old. Nag-post ang dating partner ni Mang Pidol na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang Instagram account ng “RIP” patungkol nga sa pagyao ni Rolly.
Kung matatandaan, na-confine sa Capitol Medical Center noong Huwebes ng hapon ang aktor matapos ma-stroke.
Bukod sa long-running sitcom na John En Marsha na pinagbidahan ng kanyang ama, isa pa sa hindi malilimutang proyektong ginawa ni Rolly ay ang pelikulang “Burlesk Queen” kasama si Vilma Santos.
Last week, isa pang anak ni Dolphy ang sumakabilang-buhay, si Dino Quizon na sandali ring naging bahagi ng showbiz noon.
MOST READ
LATEST STORIES