Opisyal nanabon dahil di siya na-FB live

SINABON ng isang government official ang kanyang mga staff makaraang sumablay ang mga ito na mai-Facebook live ang isa sa kanyang mga speaking engagement.

Kilalang adik sa social media ang opisyal na ito ng gobyerno kung saan pati ang simpleng pagkain sa restaurant ay kinukunan pa niya ng mga litrato at saka i-popost sa kanyang FB account.

Napapansin na rin ng kanyang mga kasamahan sa ahensiya ang pagkahilig nito sa selfie.

Kung anong galing daw nito sa selfi ay laylay naman ang kanyang management skills sa tanggapan na pinamumunuan nya.

Sa isang event sa Central Luzon ay naimbitahan ng ilang barangay official si Sir na magsalita sa kanilang event.

Malapit sa kanya ang barangay sector dahil naging pinuno rin siya nito sa mga nakaraang panahon.

Kabilinbilinan ni Sir na i-live sa kanyang FB page ang kanyang talumpati bago pa man siya umakyat sa stage.

Tulad nang inaasahan ay todo pabida si Sir lalo na sa punto ng pagsasabing malapit siyang kaibigan ni Pangulong Duterte kahit na alam naman nating tsamba lang kung bakit ito naging close sa pangulo.

Todo sa pagyayabang si Sir dahil ang buong akala nya ay napapanood siya ng kanyang mga followers at friends sa FB.

Nang matapos ang event ay ni-review ng opisyal ang kanyang FB account at doon nya natuklasan na hindi pala nai-live ang kanyang talumpati na pinaghandaan pa naman niya.

Bukod sa mura ay maghapong sinabon ng opisyal ang kanyang mga tauhan na nabigong FB live.

Ang opisyal na adik sa selfie at FB ay itago na lang natin sa pangalang Mr. M….as Market.

Meron ba kayong gustong i-leak na mga pangyayari sa tanggapan ng pamahalaan? I-share na rito sa Wacky Leaks, mag-text sa 09156414963.

Read more...