Maine tuloy ang pagtulong sa mahihirap na kabataan na gustong makapag-aral

MAINE MENDOZA

NAKAABANG na naman ang isang birthday celebration para kay Maine Mendoza. Sa kanyang Instgram Story, may pasilip si Meng sa gagamitin niyang damit na pang-party, huh!

Aba, non-stop ang 23rd birthday celebration ng Phenomenal Star. After ng birthday party niya sa Eat Bulaga last March 3, ratsada na siya sa unang selebrasyon. Sinundan ito ng theme-party niyang How I Met Your Mother na fave TV series niya.

Bago ang kanyang kaarawan, nagtampisaw muna siya sa dagat sa isang isla sa Zambales! Enjoy-enjoy lang talaga siya sa buhay pag may time!

Pero nagpapakasaya man si Meng, bukas pa rin ang palad niya sa pagtulong sa mga batang gustong makapagtapos ng pag-aaral.

On-going pa rin ang garage sale niya ng kanyang pre-loved items sa pakikipagtulungan ng AlDub Nation Team Angeles. At siguradong marami pang gagawing charity works si Maine para makatulong.

Read more...