Yeng Umamin Sa Sakit: Meron Akong ‘synesthesia’

 

YENG CONSTANTINO

INAMIN ng singer-songwriter na si Yeng Constantino na meron siyang health condition na “synesthesia”.

“Natuklasan ko na sa three years na hindi ako naglabas ng album na mayroon pala akong synesthesia, which is ‘yung brain conditioning senses ng isang tao ay nagmi-mix,” sey ni Yeng sa isang panayam.

“Parang may kinain ako, eh nakakakita ako ng colors, or kapag may narinig akong kanta, may nakikita akong color, kapag nakakakita ako ng tao, nakakakita ako ng color. Parang ito ‘yung normal na sense for me, pero sa ibang tao hindi siya normal,” paliwanag ng Kapamilya singer sa nasabing “sakit”.

Ang asawa raw niyang si Yan ang nakadiskubre ng kanyang health condition, “Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo love, itong food na ito parang purple ‘yung kulay niya.’ Sabi ni Yan, ‘Ha?’ Hindi purple ang kulay ng food ko, I mean purple ang kulay ng taste niya. Sabi ni Yan, ‘Baka may synesthesia ka na.’

“Tapos nag-Google ako. Sobrang eksakto yung description. So ‘yung mga tao kapag kumakain nakakakita ng kulay or parang naa-associate nila ‘yung taste with colors or kapag nakikinig sila ng sound na-a-associate nila with colors,” aniya pa.

 

Read more...