Lucky 13 ng Star Magic 2018 handa na sa matitinding hamon ng showbiz

STAR MAGIC 20: (BACK ROW ) HENZ, MARCUS, DONNY, KARL, AT TONY 
(FRONT ROW) CHANTAL, LEILA, DANIELA, ZONIA, CHARLIE, PATTY, YASMYNE AT ANNA

IN FAIRNESS, promising ang 13 bagong members ng 2018 Star Magic Circle na ipinakilala kamakailan sa ginanap na presscon sa ABS-CBN.

Nagpakitang-gilas sa pagsayaw at pagkanta ang mga bagets na masuswerteng napili para mabuo ang Star Magic 2018, kabilang na nga riyan ang ilang showbiz royalties.

Sa 13 baguhang Kapamilya celebrities, lima ang boys na kinabibilangan nina Donny Pangilinan (20), Henz Villaraiz (18), Karl Gabriel (20), Markus Paterson (19) at Tony Labrusca (22).

Ang walong equally-talented girls naman na ipinakilala sa press ay sina Zonia Mejia (16), Yasmyne Suarez (20), Daniela Stranner (15), Patty Mendoza (20), Leila Alcasid (20), Anna Luna (22), Chantal Videla (15) at Charlie Dizon (21).

Bago humarap sa naganap na mediacon, sumailalim muna series of acting workshops at matitinding training ang 13 bagong mukha ng Star Magic Circle. Lahat sila’y nagsabing gagawin nila ang lahat para matupad ang kanilang pangarap na makilala at magkaroon ng sariling marka sa showbiz.
Narito ang ilang detalye tungkol sa mga bago ninyong aabangan sa ABS-CBN.

Donny is the son of Anthony Pangilinan and Maricel Laxa. He has always wanted to join showbiz pero mahiyain daw talaga siya. Currently, Donny is a MYX VJ and also appears on ASAP as one of its Chillout hosts. Makakatambal niya sa isang proyekto si Kisses Delavin.

Zonia is a former housemate of Pinoy Big Brother 737 in 2015. Umapir na siya sa mga Kapamilya shows tulad ng LUV U at The Promise Of Forever.

Yasmyne started undergoing Star Magic workshops as early as 2013. Nag-aral din siya ng Theater sa New York University for two years. At ngayong nasa ABS-CBN na siya gagamitin niya ang lahat ng natutunan sa akting.

Henz first joined Pinoy Boyband Superstar last year pero hanggang Top 10 lang ang inabot niya. Pero napansin ng Star Magic head na si Johnny Manahan ang kanyang kakayahan kaya ngayon at bahagi na siya ng seryeng Sana Dalawa ang Puso.

Daniela is a 15-year-old football varsity player who was scouted at a music festival. One of the youngest members of the group, Daniela is excited to delve further into the industry as an actress.

Patty was first discovered sa isang modelling event sa UST, her alma mater. Nagkaroon na rin siya ng ilang commercials. Pangarap niyang makatrabaho sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Leila is Ogie Alcasid’s daughter with former wife Michelle van Eimeren, na naging representative ng Australia sa 1994 Miss Universe na ginanap dito sa Pilipinas. Mula nang dumating sa bansa, wala nang ginawa si Leila kundi mag-join sa mga acting workshop. Aside from acting, Leila also likes singing just like her father. She recently released her first single titled “Completely In Love with You.”

Anna is not new to acting. Nakagawa na siya ng ilang award-winning movies tulad ng “Paglipay,” “Maestra,” The Breakup Playlist,” “How to be Yours” at “Dear Other Self.” Pero sa LGBT film na “Changing Partners” siya napansin ni Mr. M at inalok na maging Star Magic artist. Pangarap ni Anna na makapagbida sa Maalaala Mo Kaya.

Chantal ia 15-year-old Filipino-Argentinian who started as a commercial model. Since she wants to push the envelope further, Chantal decided to audition for Star Magic. Dream niyang makatrabaho si Liza Soberano.

Karl is a mechanical engineering student who was also part of the Pinoy Boyband Superstar pero hindi siya nakapasok sa live shows. Pero patuloy siyang nagpursige sa kanyang pangarap hanggang makasama na nga sa Wansapanataym.

Markus also tried his luck sa Pinoy Boyband Superstar but failed. Pero sinuwerte pa rin siyang napili para maging bahagi ng Sana Dalawa Ang Puso.

Charlie is 21-year-old beauty who is not new to acting as well, having been part of the Star Cinema movies “Finally Found Someone,” “Loving in Tandem” and “Seven Sundays.” Pero ang pinakabonggang offer na dumating sa kanya this year ay ang makasama sa fantasy series na Bagani.

Tony was also part of Pinoy Boyband Superstar. Pero mas nakilala talaga siya sa La Luna Sangre bilang kaibigan ni Malia played by Kathryn Bernardo. Siya ay anak ng actor-dancer na si Boom Labrusca. At ngayong nasa Star Magic na siya, umaasa ang binata na mas marami pa siyang challenges na pagdaraanan sa kanyang umaaribang showbiz career.

Read more...