PNoy iginiit na hindi sakop ng election ban ang Dengvaxia program  | Bandera

PNoy iginiit na hindi sakop ng election ban ang Dengvaxia program 

- March 15, 2018 - 05:35 PM
HUMARAP si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Commission on Elections (Comelec) kung saan iginiit niya na walang paglabag sa Omnibus Election Code nang ipatupad nila ang pagpapabakuna ng Dengvaxia. Sa isang briefing matapos ang pagharap sa preliminary hearing sa Comelec law department, iginiit ni  Aquino na isinagawa ang pagbili ng Dengvaxia noong Marso 9, 2016, bago ang disbursement ban na epektibo noong Marso 25, 2018. “Nataon lang na dun natapos lahat ng proseso eh… The job of protecting the people’s health cannot be held in abeyance by elections.  It doesn’t stop because it is an election year,” ayon pa kay Aquino. Nauna nang kinasuhan si Aquino at iba pang dating opisyal sa ilalim ng kanyang administrasyon sa Comelec dahil umano sa paglabag sa election ban matapos ipatupad ang Dengvaxia program sa kasagsagan ng pangangampanya noong 2016.  “Pati pagsuot ng dilaw na damit, ginawa pong reklamo… klaro namang harassment lang ang punto. Tama marahil ang sinasabi ng ilan na di katarungan ang layunin ang layunin dito kundi ang magpapansin para ma-appoint sa puwesto. Klaro rin po na ang nararapat na hantungan ng ganitong reklamo ay ang basurahan. Inaasahan po nating gagawin ng Comelec ang tama at yan ang idismiss ang reklamo sa lalong madaling panahon,” giit ni Aquino. Binatikos din ni Aquino ang reklamo sa pagsasabing hindi rin malinaw ang ikinakaso laban sa kanila. “Basahin nyo yung complaint tignan nyo kung may laman,” dagdag ni Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending