Ronda Pilipinas balik-aksyon para sa huling 4 na leg


MAGPAPATULOY ang Ronda Pilipinas 2018 para sa huling apat na leg sa pagsambulat ngayong umaga ng mapanghamon na 207.2 kilometrong Stage Nine na magsisimula sa Silang Municipal Hall at magtatapos sa Tagaytay Convention Center.

Nasa unahan pa rin si Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance, na may pitong minutong abante sa kapwa miyembro ng Navy at nagtatanggol na back-to-back champion Jan Paul Morales, sa nalikom na kabuuang tiyempo na 21 oras at 1.56 minuto sa pagsabak sa ikasiyam na yugto.

Si Morales ay kasalukuyang nasa No. 2 spot sa natipong oras na 21:08:51.

Nasa ikatlo si Jay Lampawog ng Go for Gold Developmental Team sa 21:19:31 habang sina Cris Joven ng Army-Bicycology (21:20:02), John Mark Camingao ng Navy (21:20:24), George Oconer ng Go for Gold (21:20:51), Ronnel Hualda ng Go for Gold Developmental team (21:21:29), Rudy Roque ng Navy (21:21:42), Irish Valenzuela ng CCN Superteam (21:22:04) at Junrey Navara ng Navy (21:22:08) ang iba pang bumubuo sa Top 10.

Ang sunod na dalawang yugto na 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 bukas at 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Sabado ay kapwa kinatatakutan din dahil sa mga bulubunduking akyatin.

 

 

Ang karera, na hatid ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, Filinvest, Philippine Rabbit, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling, ay matatapos sa Stage 12 criterium sa Filinvest, Alabang sa Linggo.

Nakataya ang premyong P1 milyon para sa tatanghaling kampeon habang sina Oranza at ang Navymen ay siniguro na rin ang Team Overall Classification sa natipon na 82:19:52 o 32.32 minuto na mas mabilis kontra sa Go for Gold Developmental team na may 82:52:24 oras.

Read more...