Horoscope, Marhc 15, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Huwag hayaang maapektuhan ka ng problema ng ibang tao lalo na sa pag-ibig. Ang awa at concern ay hindi mo dapat gamitin sa ngayon, mas dapat iprioridad ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Kapag nagawa mo yan, kikita ka ng malaking halaga at magiging maligaya. Mapalad ang 4, 9, 18, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Red at bule ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Umupo sa isang sulok na malapit sa nature. Nilay-nilayin ang gagawin mong pagbabago, upang mas lalong umunlad at lumigaya. Ang una, tanggalin ang iyong ego, pride at kayabangan. Sa ganyang paraan, yayaman at magiging maligaya ka na. Mapalad ang 6, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Violet at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Magluto ng isang napakasarap na menu at pagkatapos ay ipakain sa iyong mga mahal sa buhay. Sa simpleng kabutihang nagawa, mapupuno ang inyong pamilya nang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Lilac at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Maraming dadamay sa ‘yo sa araw na ito, kaya maiibsan ng malaki ang mga dinadalang suliranin. Para mapanatili ang mga kaibigan, gayon din ang yong mga mahal sa buhay, wag mo silang uutangan at pagkatapos ay hindi ka magbabayad. Mapalad ang 5, 11, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Gray at beige ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Tulad ng isang seaman, makipagsapalaran ka upang mabago ang kapalaran. Wag matakot pumalaot sa malayong lugar upang umunlad. Alalahanin mong ginawa ang bangka, hindi para sa pampang lang, kundi upang pumalaot sa gitna ng dagat. Sa pag-ibig, sa malayong lugar matatagpuan ang kaligayahan. Mapalad ang 4, 7, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Adhenam-Om.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Patuloy na darating ang suwerte at magandang kapalaran kung sa bawat araw ay gagawa ka sa iyong kapwa ng kahit na maliit na kabutihan lang. Sa pag-ibig habang nagpapakabuti, mas maligayang relasyon ang mararanasan. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Mahata-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Magbagong buhay ka na ngayon! Hanapin ang mas masayang pag-ibig na hatid ng isang Libra. Sa pananalapi, hindi mo mapapabilib ang mga tao sa iyong mabilis na pagsasalita. Baguhin ang istilo, bilisan naman ang pagtatrabaho. Mapalad ang 5, 18, 22, 28, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Beige at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Kahit na tanggihan ka sa iyong inaalok hindi ka dapat tumigil. Kulitin sila ng kulitin. Sa pagiging makulit, uunlad ka at mas magtatagumpay ka. Mapalad ang 6, 9, 19, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Marami kang makakabangga ngayon. Pero wag kang mag-alala, nangyayari ang mga bagay na yan, dahil ‘yan din mismo ang indicator, na sumsigla ang iyong kapalaran. At dahil sumisigla ang iyong kapalaran, kasunod nito ang maraming suwerte at buenas. Mapalad ang 6, 9, 21, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.”

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa araw na ito lulutang ang iyong animal instinct. Siguraduhing magagamit mo ang enerhiyang ito, upang magkapera at kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig ang animal instinct ring ito ay magagamit sa isang masarap na romansa. Mapalad ang 6, 9, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ipagpatuloy ang pagiging makasarili, yan talaga ang paraan upang yumaman. Kapag maraming-marami ka ng pera, kusa ka na ring liligaya sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon. Mapalad ang 8, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam—Artan-Om”. Orange at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Pagkatapos ng kalungkutan, malaking suwerte at magagandang kapalaran ang kasunod. Kaya kung nalulungkot ka ngayon, panahon na upang magsaya, dahil alam na alam mo na ang magiging kasunod ng nasabing kalungkutan. Smile na! Mapalad ang 4, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Dosya-Om.” Brown at magenta ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ang iba’t- ibang bahagi ng iyong pagkatao ay dapat gumana. Gamitin ang iyong pang-ispiritualidad na kapangyarihan. Manalangin sa loob ng 9 na araw na nakatitig habang may sindi ang kulay berdeng kandila. Sa ganyang paraan, mas madali mong makakamit ang iyong mga pangarap sa buhay. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Silver at violet ang buenas.

Read more...