IPINAKITA ng bida ng Sana Dalawa ang Puso na si Jodi Sta. Maria ang kanyang pagmamahal kay Cavite Vice-Governor Jolo Revilla nang mag-join siya sa 30th birthday party nito na ginawa sa Rosario, Cavite.
Jolo posted a short video on his Instagram account with this caption: “My fun-filled 30th birthday celebration at Isla Bonita yesterday. Thank you my love @jodistamaria for joining me. Maraming Salamat Rosario! @judiel_stamaria_bulacan.”
Naki-join si Jodi sa palaro during the party. Meron ding boodle fight at namigay ng regalo si Jolo sa kanyang constituents.
Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay nag-offer na ng trabaho si Lisa (Jodi) kay Mona (Jodi). Gusto niyang magpanggap ito na siya for two weeks kapalit ang malaking halaga.
MOST READ
LATEST STORIES