Bistek 1-star general na, pero walang sweldo sa AFP | Bandera

Bistek 1-star general na, pero walang sweldo sa AFP

Jun Nardo - March 15, 2018 - 12:25 AM

HERBERT BAUSTISTA

KUMPIRMADO nang Brigadier General si Quezon City Mayor Herbert Bautista nang dumalo sa confirmation hearing ng Commission on Appointment sa Senado kahapon.

Suot at pormang military ang tinaguriang Bistek ng showbiz na feel na feel naman niya.

May mga obligasyon na siya ngayong dapat gawin bilang opisyal ng military.

“Kailangan maghikayat kami ng kabataan between 18 to 25 years old na pumasok sa reserve, mag-training sila. Every Sunday lang ‘yon sa City Hall. Pagkatapos noon, bibigyan sila ng number, rank para maging official ang kanilang pagiging sundalo.

“‘Yung training nila, more or less, disaster management, kapag may bagyo, baha. Kunwari, pumutok ang Mayon Volcano, pupunta sila roon at tutulong,” pahayag ni Mayor bago namumpa.

Ano ang feeling ng isang one-star general at suot ang military uniform?

“Una, malaki ang respeto natin sa uniporme dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataong makapagsuot ng ganito. Naging sarhento muna ako, kapitan, naging colonel then ngayon, one star general na. Talagang pinaghirapan natin ito. Iba-iba ang feeling!” rason ni Mayor HB.

Ayon pa sa alkalde ng Q.C, volunteerism ang ginawa niya, “Unang-una, ang tinuturo sa atin dito, ‘yung pagmamahal sa bayan dahil mahal mo ang bayan mo, mahal mo ang bansa mo, magbo-volunteer ka.

“The privilege is masusuot mo ‘yung uniporme at bibigyan ka ng ranggo na commensurate at bagay sa ‘yo and at the same time, walang suweldo,” saad niya.

Ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Gen. Bato dela Rosa na bagay siyang maging mayor ng buong Pilipinas at hindi lang sa Quezon City dahil sa pagmamahal niya sa kapulisan?

“Ang mayor ng Pilipinas, si Presidente Digong. Siya muna!” tugon ni Mayor Bistek.

Sa May 12 ay 50 years old na siya, “Golden Boy na tayo. Nag-asawa na si Vic (Sotto), may anak na nga, susundan pa yata. Eh, hinihintay ko na lang ‘yung ibang wala pang asawa. Pag nag-asawa na sila, puwede na akong mag-asawa! Ha! Ha! Ha!”

Sa kanyang 50thbirthday, plano sana ni Mayor na maglabas ng book. Hindi nga lang ito makakahabol dahil kapos sa oras. Tell-all ba ang laman ng libro niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ha!Ha! Ha! ‘Yung mga pang-ibabaw muna! Saka na ‘yung kaloob-looban!” ani Bistek na pinagkaguluhan pa rin ng mga tao nang bumisita sa Senado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending