Maine muling lumaban ng aktingan kay Bossing sa Lenten Special ng ‘EB’

MAINE MENDOZA AT VIC SOTTO

SIGE-SIGE ang post birthday celebration ni Maine Mendoza who just turned 23 last March 3.

‘Yung una niyang selebrasyon ay nasundan nang mas magarbo pang party na may theme na How I Met Your Mother na isa sa mga paborito niyang TV series.

Kasama ni Meng sa selebrasyon ang pamilya at fans, at sobrang fashionista ang kanyang dating sa OOTDs niya mula sa Stylized Studio. Sa stage, nakasama niya ang pamangkin niyang si Matti.

Pati ang birthday cake ng Phenomenal Star ay How I Met Your Mother ang design. Pati ang manager niyang si Rams David ay dumalo sa party at nagpahayag ng, “Let your smile change the world and not otherwise!”

Abangan naman ang muling pagsabak sa drama ni Maine sa Lenten episode ng Eat Bulaga na “Taray ni Tatay” kasama sina Vic Sotto at Rita Avila. Dito muling patutunayan ng Dubsmash Queen na may “K” din siyang tawaging aktres.

Read more...