KALAT na sa social media ang pagkakaaksidente ni Christopher de Leon sa taping ng isang teleserye. Napuruhan daw sa hita ang veteran actor nang pumutok ang blank bullet.
Ang manager ng actor na si Lolit Solis ang nagbuking about it sa kanyang Instagram account. Inoperahan daw si Christopher nang makaramdam siya ng matinding sakit.
“So unfortunate na naaksidente si Christopher de Leon sa set ng Kambal Karibal. For the first time nangyari sa kanya na pumalpak ang ammu (props na baril) sa set.
“So far alam ko naman na aalagaan siya nila Camille at Joy ng Kambal Karibal dahil sa taping nangyari ang aksidente. Dinala siya sa Asian Hospital at mabuti hindi masyadong delikado ang nangyari. Pagaling ka Boyet, at ingat sa taping mahirap na.” ‘Yan ang chika ni Lolit.
“Why hasn’t GMA published an official statement about this? Hush-hush ba? Kundi pa nagsalita si Lolit hindi malalaman ng publiko.
“Dapat meron insurance clause each contract they sign if ‘per show’ na artista sila to ensure na kung meron mangyari eh hindi lang pa ospital ang sasagutin ng establishment, they should be liable for damages to the entire well-being of the actor/actress. This is terrible!” reacted one guy.
Oo nga. Bakit tila hindi ito naibalita sa mga news program ng GMA 7? Nakapagtatakang hindi nila ito ginawang newsworthy na item, eh, isang legend ang involved sa aksidente.
Hindi ba’t ang palaging ipinangangalandakan ng GMA News ay wala silang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lang?
Parang may news blackout sila sa accident na nangyari kay Boyet. Imagine, kung hindi pa itsinika ni Lolit ang nangyari kay Boyet ay wala pang makakaalam ng accident.