Moira umaming crush na crush si Baron Geisler


KUNG hindi pa pinagalitan at pinagbawalan ang bagong singer-songwriter dujour na si Moira dela Torre ng kanyang handler (Mac Merla ng Cornerstone Entertainment), trip pa rin niya ang sumakay ng bus kapag umuuwi siya ng Olongapo. Doon kasi nakatira ang kanyang pamilya.

Wala pa raw kasi siyang sariling kotse. Although, may ginagamit naman daw siya na car pero ‘di pa raw kanya ‘yun. Inuna raw muna kasi ni Moira ang pagbili ng bahay kesa sa sasakyan.

“I want to buy my own car. Yes po, pinag-iipunan ko na po. E, ‘yung kinikita ko now, hindi ko ginagamit para hindi po maubos agad,” ani Moira.

Sold-out ang two-night concert ni Moira titled “Tagpuan” na pinrodyus ng Cornerstone Concerts last month. Ang “Tagpuan” ang una sa walong major concerts na ipo-produce ng Cornerstone in celebration of their eight year in the industry.
Isa sa mga pinag-usapang highlights sa concert ni Moira ay ang litanya ng mga hugot ni Angelica

Panganiban sa kanyang ex-boyfriends.

“Ngayon lang po ako nakarinig ng ganoon ka-heartfelt na spoken word. Short but true. Alam mong may pinaghuhugutan talaga si Ate Angge (Angelica),” sabay tawa ni Moira.

Feeling ni Moira umabot na sa rock bottom ang pakikipag-relasyon ni Angelica, “Wise na siya, ‘yung hindi siya nag-fall. Tapos paulit-ulit lang ‘yung fall niya. Ngayon po, tumayo na siya. Tapos alam na niya kung saan siya nanggaling at alam na niya ‘yung hindi na dapat uulitin,” paglalarawan niya kay Angelica.

Kung hihingan daw siya ng advice ni Angelica, “don’t settle” ang sasabihin niya sa sexy-actress.

“I’m not an expert, I’m not married yet, but I feel like the most significant part of my relationship with my boyfriend is peace. The peace and the trust, and it’s very hard to find that in a person,” lahad pa ni Moira.

Pero nagulat kami nang aminin niya na ang kanyang celebrity crush noon ay si Baron Geisler na nakalulong pa rin ngayon dahil sa patong-patong na reklamo ng kanyang bayaw.

“Advise for him? Natatakot po akong sumagot. God bless na lang Kuya,” sambit ni Moira.

Read more...