Invested sa relationship na walang forever

DEAR Ateng Beth,

I am in the process of moving on. Galing ako sa isang matagal na relasyon, eight years. I invested a lot into this relationship, believing there’s forever here.

Pero isang araw nagising na lang ako na and I realized na I made the wrong investment. I chose the wrong person. After all those years, napaisip ako bakit ni minsan ay hindi ako napakilala ng BF ko sa pamilya niya habang ang pamilya ko tinrato siya na kapamilya na namin. Noong una sabi ko siguro dahil kasi nasa ibang bansa ang pamilya niya.

Pero naman sa haba-haba ng aming relasyon, bakit ni minsan ay di siya nag-effort na mag-meet kami ng parents niya. And then he started making alibis. Doon na ako nawalan ng gana. I broke up with him almost a year ago na. I was hurting before, pero sa tulong ng mga kaibigan at pamilya I was able to bring myself back — I mean my self respect and confidence.

Wala naman akong ikokonsultang mabigat na problema, but I just wanted to share my story and be an inspiration to your readers na kahit na anong bigat ng problema caused by a failed relationship ay merong solusyon. Thanks ateng Beth for the opportunity.

Rowena, Taguig City

Well, hello there Rowena.

Akala ko naman ay may super bigat kang dinaramdam at napakahaba ng pasakalye mo. Nonetheless ay natutuwa ako sa nangyari sa iyo – hindi doon sa pag-fail ng relationship mo, ha? Hahaha. Kundi sa kung paano ka nakapag-moved on after almost a year lang. That was fast.

Good job and thank you for taking the time to share your journey with us.

Am sure maraming makaka-relate. If you think nasayang yung mga panahon mo with the wrong man, hindi naman siguro.

Kasi those times gave you happiness rin naman, hindi ba? You were completely honest and faithful sa relationship ninyo. So that showed you what a gem of a woman you are. Yung relationship mo with him was over pero ikaw ay naging mas mabuting babae at lover.

Naipaikta noong mga panahong iyon what you were capable of. So rejoice, instead, na kahit pa mali ang tao, naging better ka kesa bitter. Naka get over ka at nakilala mo ang mga tunay mong kaibigan at pamilya na nagmamahal sa iyo. So continue living. Continue on getting better. Kesehodang may
dumating o wala, you are a better, whole person. Mabuhay ka!

Read more...