“We would like to assure the public that the dismissal is far from being final. It is in fact subject to automatic review by (Justice) Secretary Vitaliano Aguirre, and we look forward to the review to be made by Secretary Aguirre,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Si Lim ang sinasabing kumpadre sa kasal ni Pangulong Duterte na kilalang negosyante sa Cebu.
“We understand the sentiments and the frustration of the public over the dismissal, but stress that the police can re-file the case, can introduce additional evidence, but we need to be very careful that at this stage, that the evidence would be complete to sustain a conviction when filed before the courts,” ayon pa kay Roque.
Kasabay nito, itinanggi ni Roque na ibinasura ang kaso laban kay Lim dahil sa pagiging malapit kay Pangulong Duterte.
“Alam n’yo po, unfair naman iyon na palibhasa naging kumpadre sa kasal ‘no…So, sa akin po, wala namang basehan iyong ganiyang paratang. At hayaan na lang muna natin umusad ang proseso diyan sa DOJ. At titingnan din natin ang ebidensiya kung tayo nga ay sasangguni din doon sa mga naging desisyon ng public prosecutors. At kung talagang mahina ang ebidensiya, titingnan kung paano po ito mapapalakas,” giit ni Roque.
Samantala, itinanggi rin ni Roque na bahagi ng kasunduan ang pagbasura sa kaso laban kay Espinosa at iba pang kilalang drug lord kapalit ng kanilang pagtestigo laban kay Sen. Leila de Lima kaugnay kasong droga.
“Alam ninyo kung iyong pagbibigay lang ng immunity ang pag-uusapan, hindi na kinakailangang ma-dismiss ang kaso, kasi pupuwede na silang mabigyan ng immunity. So, sa akin po, wala namang kinalaman iyon.
Ang importante lang, masiguro na itong desisyon ng pagdi-dismiss ay naka-base po sa ebidensiya at kung hindi, gagawa po ng hakbang ang otoridad para matuloy ang kaso,” sabi pa ni Roque.
.