USAPANG trabaho tayo.
Ang usapin ng contractualization ay hindi matapus-tapos kahit gusthin man ng pamahalaan na ganap itong matuldukan.
Sa totoo, ang service contracting ay nananatiling isang aktibo at lehitimong industriya na sakop ng sektor ng paggawa.
Maraming mga manggagawa ang may trabaho ngayon sa pamamagitan ng service contracting, at sa maniwala kayo o hindi, para sa kanila, mas mainam ito kaysa sa walang trabaho. Sa maniwala o hindi, ay may benepisyong nakakamtam din ang mga manggagawa sa pamamagitan ng mga service providers o service contractors. Dalawang kakilala ko ang nasa ganitong sitwasyon.
Tawagin natin siyang Christian. Pumasok siya sa kumpanyang nasa industriya ng broadcasting. Driver sa isang manpower service provider. Tatlong buwan din siyang nganga dahil walang trabaho, eh, ang misis ay manga-nganak, so paano na?
At nakapasok nga siyang bilang driver sa pamamagitan ng manpower agency.
Sa broadcast company na kanyang pinasukan, nagkaroon siya ng pagkakataong makibahagi sa iba’t ibang pagsasanay, on the job per se, sa mismong trabaho, at mga hiwalay na pagsasanay o training na nagbigay sa kanya ng dagdag na kakayanan at kaalaman.
Inisyatiba ito ng kumpanya na kung saan siya ipinasok ng service contractor. Dahil dito, nagkaroon siya ng mas mataas na tsansa na makapasok sa mas mataas na puwesto, from driver to cameraman sa ibang kumpanya. Mas mataas ang rate, pero sa pamamagitan pa rin ng naturang service contractor o manpower agency.
Yun ang isyu sa industriya ng service contracting. Minus the security of tenure ng mga empleyado, ang totoo may mga benepisyo silang natatanggap.
Praktikal na usapan lang, parang lumalabas, may job security rin ang mga manggagawa na nagkatrabaho sa pamamagitan ng mga service contractors. Pag tapos na sa isang kumpanya, sila rin ang hahanap ng paglilipatan sa mangagawa sa iba namang kumpanya, na nababatay sa umuunlad nilang karanasan at kaalaman. Yung kaso ni Christian, pagsasanay at bagong kaalaman ang benepisyong naibigay sa kanya.
Kaya sa gagawing paglipat sa bagong trabaho, mas mataas na ang sahod niya.
***
Ang hindi masyadong natatalakay at nababalita ay ang katotohanan na ang mga service contracting companies ay tumutugon at, in some cases, hinihigitan pa ang mga itinakda ng bagong Department Order (DO) No. 174 na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong nakaraang taon.
Ilan sa mga ito ang “security of tenure,” kung saan ang work status ng isang manggagawa hired through service contracting ay protektado.
Sa ilalim ng DO 174, ang karapatan ng mga manggagawa sa trabaho ay sinisiguro at ito ay sinusunod ng mga service contractor sa pamamagitan ng isang “probationary-to-regular employment arrangement’ dahil ang “co-terminus engagement” sa service contract ng employer at ng principal ay tinanggal na.
Kahit ang panahon para hanapan ng service contractor ng trabaho ang isang natanggal na empleyado ay mas pinaikli pa mula sa anim na buwan at naging tatlong buwan na lamang. Sa kaso ni Christian, isang buwan lang, may bago na siyang trabahao agad at mas mataas pa ang sahod dahil may mga karagdagang kaalaman na siya.
Ang mga batas sa pasahod na itinakda ng National Wages and Productivity Council ng DOLE pagdating sa minimum wage requirement, at iba pang mga benepisyo na iniuutos ng gobyerno, ay naibibigay naman ng service contractors.
They should, it is a compliance of their existence. Meron din silang sick at vacation leave, maternity at paternity leave, service incentive leave, at 13th Month Pay.
Not a regular employee, yes, but benefits wise, usapang totoo, meron, meron, meron.
Sa mas malaking larawan o pananaw, the bigger picture sabi nga, the issue of labor contractualization can be viewed on several windows. Lahat iyon totoo at may sinasandigan.