Payo ng KathNiel sa MayWard: ‘Wag magsawang magpasalamat sa fans!


ISA sa mga payo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na talagang tumatak sa tambalang MayWard ay ang tunay na pagmamahal sa mga fans.

Ayon kina Maymay Entrata at Edward Barber, ang laging advice sa kanila ng KathNiel ay huwag ma huwag magsasawang magpasalamat sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa kanila.

Nakasama ng MayWard sina Kathryn at Daniel sa katatapos lang na Kapamilya series na La Luna Sangre. At kahapon nga sa guesting nila sa Magandang Buhay, nagpasalamat uli sila sa KathNiel dahil sa mga aral ng buhay na kanilang natututunan at naibabahagi sa kanila.

“Kahit saan kami pumunta raw, dapat hindi raw kami magbago. Sabi rin ni kuya Daniel na dapat ay hindi kami magsawang magpasalamat sa mga fans. Kasi sila naman ‘yung dahilan bakit nangyari sa amin ito,” chika ni Maymay.

“Saka lagi kaming makikinig sa mga nakakatanda sa amin at saka payo nila, kasi ‘yon ang mag-enhance sa acting skills namin at pagkatao namin,” sey pa ng dalaga.

Inalala naman ni Edward ang ginawang pagtulong sa kanya ni Daniel noong ma-mental block siya habang nasa taping.

“Hindi ko alam kung paano, ilang takes pa. Si kuya Daniel, sinabi niya kay direk, ‘Direk, wait lang.’ He took me to the corner. ‘Relax lang, relax lang, don’t think about it, just feel the scene.’ Parang ganoon.

Pagkatapos noon, one take lang, tapos. Ang galing niya,” kuwento ng binata.

Hinding-hindi raw makakalimutan ng magka-loveteam ang chance na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN para makatrabaho ang kanilang mga idol.

“Kasi baguhan lang kami tapos nagpunta sa La Luna akala namin ma-OP kami, hindi. Sila talaga ‘yung tumutulong sa amin,” pahabol pa ni Maymay.

q q q

Samantala, naiyak naman si Edward Barber sa ipinagawa sa kanya ng Team Magandang Buhay para ma-overcome niya ang fear of heights.

Dito hinarap ng binata ang kanyang takot at pumayag na mag-rapel sa isang adventure park sa Pampanga kasama ang ka-loveteam na si Maymay.

Kuwento ni Edward sa kanyang naging experience sa pag-rapel, “You are already there. It’s always like that. In the moment, ayaw mong gawin. Pagkatapos if you don’t do it and you look back on it parang sayang ‘yung opportunity.

“So I hated it during the moment. Even as we were doing it, I hated it. But looking at back it now, I’m so happy that I did it and I didn’t give up,” aniya pa.

Dagdag pa ni Edward, “Hindi ko nga alam na umiiyak na ako, akala ko baka sa hangin lang.”
In fairness, pinatunayan ni Edward na kaya niyang gawin kahit na inaatake na siya na matinding takot. Atta boy!

Read more...