Mega: Mataray talaga ako, sobra! Best friend ni Hulk kapag nagalit!

SHARON CUNETA

MAY bagong hugot si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa mga taong judgmental. Sa kanyang Instagram account, nag-post ang singer-actress ng mensahe about this.

Caption ni Mega sa kanyang IG post, “Ang kabutihan ng puso at kagandahang-asal ay ang madadala mo hanggang kamatayan. Sayang at maraming tatanda at kukulubot na nga sa labas na kaanyuan, bulok pa ang puso kahit buhay pa.

“Maraming padasal-dasal at pasimba-simba, pero pagdating sa paghusga at pananakit sa puso ng kapwa, parang di naniniwalang may Diyos.”

May isang netizen naman ang nag-comment ng, “Buti ikaw mother @reallysharoncuneta very kind have a big heart at obese na yata puso sa sobrang kabaitan. Magsungit ka nman wahahah joke!”

Na sinagot naman ni Sharon ng, “Mataray ako talaga, sobra! Pero lumalabas lang pag kailangan. Pati ang pamilya ko di pa nasisilayan best friend ni Hulk pag nagalit eh!”

Read more...