Ariel tinawag na 'duling', 'baluga' ng mga basher | Bandera

Ariel tinawag na ‘duling’, ‘baluga’ ng mga basher

Reggee Bonoan - March 13, 2018 - 12:30 AM


DEADMA si Ariel Rivera sa mga tumatawag sa kanyang “baluga” at “dukling”, lalo na ang mga sumusubaybay sa seryeng Hanggang Saan.

Grabe ang bashers ni Ariel bilang si Jacob sa serye dahil talagang isinusumpa na siyang mamatay dahil sa sobrang kasamaan niya sa serye ng ABS-CBN.

Aware naman pala ang buong cast ng Hanggang Saan sa mga nababasa nila sa thread ng IWantTV kaya naman si Sylvia Sanchez bilang si Sonya ay tinanong na si Ariel ng, “Duling ka ba? Kasi ‘yun ang nababasa ko, tsaka baluga ka raw! Tanggap kong baluga (negro) ka, pero ‘yung dukling parang hindi naman.”

Tawa lang daw ang sagot ni Ariel sa kanya at hindi naman daw niya nakitaan nang pagkapikon ang asawa ni Gelli de Belen dahil ibig sabihin ay convincing siya bilang kontrabida.

Kaya nagkakalokohan na silang lahat sa set ng Hanggang Saan, “baluga” na ang tawag ni Ibyang sa aktor at pabiro naman siyang mumurahin nito.

Dumating pa raw sa puntong nagyayang kumain si Ibyang sa isang restaurant at dahil tulog na ang iba ay hindi na niya ginising pa. Biglang may nagsabing hindi nito niyaya si Ariel na nasa dressing room lang daw.

“E, hindi ko siya nakita, kasi pala nandoon siya sa madilim na parte ng tent katabi ng make-apan, hindi kasi ako tumtingin sa banda roon, e, hindi ko siya nakita, kasi nga maitim malay ko ba!” tumatawang kuwento ni Ibyang nang makatsikahan namin sa birthday salubong ng asawang si Art Atayde nitong Sabado.

Samantala, parami pa nang parami ang nagagalit kay Ariel dahil sobrang sama na niya sa serye. Nakulong na raw ito pero nakalabas pa rin at mas lalo pang nagpursigeng iligpit ang pamilya ni Sonya dahil ramdam niyang malapit na siyang mabuko na siya ang may kagagawan kung bakit nalugi ang negosyo ni Edward Lamoste (Eric Quizon) pati na rin ang pagkamatay nito.

Hindi rin inamin ni Jacob sa kanyang abogado na itinapon niya ang baril sa ilog na nakuha naman ng kampo nina Paco (Arjo Atayde).

At para hindi makarating ang ebidensya sa korte ay inutusan ni Jacob ang isang hired killer at ang hepe ni Jojo (Rommel Padilla) na harangin ang sinumang magdadala ng baril para hindi ito mapasakamay ng huwes. Inakala ng mga tao ni Jacob na si Atty. Georgette (Maxene Medina) ang may dala ng baril kaya siya ang napatay.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending