Sa botong 14-2, inaprubahan ng chairman ng komite na si CIBAC Rep. Sherwin Tugna ang panukala.
Ang sumunod na pinagbotohan–17-0, ay inaprubahan na ilipat ito sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2018.
Ayon kay House Deputy Speaker Raneo Abu ang publiko ang may gusto na ipagpaliban ang halalan.
“We carry the wishes of the people! We ask them and they say, postpone it!” ani Abu.
Ito na ang ikatlong beses na ipinagpaliban ng komite ang Barangay election.
Ngayong araw inaasahang isasalang na sa ikalawang pagbasa ang panukala. Kailangan namang magmadali ng Kamara upang maipasa ito sa ikatlong pagbasa dahil hanggang sa susunod na linggo na lamang ang sesyon ng Kongreso bago ang kanilang Holy Week break.
Kailangan namang magpasa ng Senado ng kaparehong panukala bago ito maipadala sa Malacanang para pirmahan ni Pangulong Duterte.
Sa Mayo 14 na muling magbubukas ang sesyon ng Kongreso, na siya ring araw ng Barangay elections.
Hindi naman inalis ni Tugna ang posibilidad na maisabay sa eleksiyon sa Oktobre ang plebisito para sa isinusulong na charter change.
“Meron talagang gumagalaw na isang committee dito na dini-deliberate ang federal form of government at nandyan din on the side of the executive department ang Malacanang, they will make proposal on the amendment of the Constitution. In reality, there’s a possibility na maka-save rin ng costs.”
Ayon kay Tugna hindi nangangahulugan na wala ng eleksyon sa May 2019 dahil depende pa rin umano ito sa mapagkakasunduang transition period at magiging resulta ng plebisito.
MOST READ
LATEST STORIES