Faeldon pinalaya na ng Senado

MATAPOS ang ilang buwang pagkakadetene, malaya na si dating Customs commissioner Nicanor Faeldon.

Ipinag-utos ni Blue Ribbon Committee chair Sen. Richard Gordon na palayain na si Faeldon, matapos namang ipakulong ng Senado noong Setyembre dahil sa patuloy na pagtanggi na humarap sa pagdinig kaugnay ng P6.5 bilyong shabu mula sa China na nakalusot sa BOC.

Bago siya palayain, nangako si Faeldon sa mga senador na hindi na sasagot ng pabalang kapag tinatanong ng mga senador.

“We will call you on cognizance that when we ask you a question there will be no more back-talking and you will answer the questions directly,” sabi ni Gordon sa pagsinig ng komite kahapon.

“Yes your honor,” sagot naman ni Faeldon.

“Do you commit to that?” tanong pa ni Gordon kung saan sumagot naman si Faeldon ng  “Yes.”

“Alright, so the committee chair hereby orders your release from incarceration,” sabi ni Gordon.

Natigil naman ang pagsasalita ni Gordon nang magpalakpakan ang mga tao sa loob ng idinadaos na pagdinig.

“There is no applause here. There is only respect for the Senate, that doesn’t include people trying to applaud the release of somebody whose actions might not have been in accordance with the proper respect due the Senate.You did not disrespect me. You disrespect the Senate and I’m duty-bound to protect the Senate,” ayon pa kay Gordon.

Mula sa pagkakadetene sa Senado, inilipat pa si Faeldon sa Pasay City jail  noong Enero 29. 

Read more...