“Pumasok po ako sa PNPA para matupad ko ang aking pangarap na maging mabuting alagad ng batas, pulis po,” sabi ni Vallador matapos humarap sa media sa Camp Crame
Bilang class valedictorian ng Maragtas (Magiting at Responsableng Alagad ng Batas na Gagabay sa Transpormasyong Alay sa Bayang Sinilangan) Class of 2018, tatanggapin niya ang Presidential Kampilan Award at Plaque of Merit mula kay Pangulong Duterte sa kanilang graduation ceremony sa Marso 23 sa Camp Mariano Castaneda sa Silang, Cavite.
Hindi naman makakauwi ang nanay ni Vallador, na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Spain matapos hindi payagan ng kanyang employer.
“I’m saddened na ‘di po makakarating ang aking ina pero nagpaliwanag naman po siya sa akin at yung tita ko po yung tumayong nanay sa akin ay siya na lang po muna ang proxy ng nanay ko,” aniya.
Kabilang naman sa top 10 ay sina:
- Police Cadet Francis Pang-ay Fagkang ng Sadanga, Mt. Province;
- Police Cadet Jess Torres Agustin ng Kabayan, Benguet.
- Police Cadet Jesstony Fabro Asanion ng Sta Cruz, Zambales;
- Fire Cadet Myrick Aquino Paldingan ng Mankayan, Benguet;
- Police Cadet Christian Villacarlos Juego ng Dasmariñas City, Cavite;
- Police Cadet Cherry Mae Lumogda Montaño ng General Santos City;
- Police Cadet Stephen Torrevillas Abrica ng Cebu City;
- Jail Cadet Arjay Marcaida Cuasay ng Parañaque City; at
- Police Cadet Maricar Sison Ansus ng Sorsogon City.