Goblin star Lee Dong Wook, Miss A’s Bae Suzy nagde-date na


KINUMPIRMA ng talent ma-nagement ng Goblin star na si Lee Dong Wook at While You Were Sleeping actress na si Bae Suzy na nagkakamabutihan na ang dalawang Korean stars.

Ayon sa agency ni Dong Wook na King Kong ng Starship, nagkita kamakailan for a romantic date ang tinaguriang “Grim Reaper” at si Suzy.

“Lee Dong Wook recently met Suzy at a personal gathering and is getting to know her with good feelings,” ayon sa pahayag ng King Kong Starship.

Kinumpirma naman ito ng management ni Suzy na JYP Entertainment.

“It’s true that Suzy is currently getting to know Lee Dong Wook,” pahayag ng JYP Entertainment.

Nakilala si Dong Wook (37) sa blockbuster Korean drama series na Goblin bilang isang grim reaper, samantalang kabilang naman sa pinakahuling Korean drama ni Suzy (24) ang While You Were Slee-ping kung saan nakatambal niya si Lee Jong Suk.

Suzy rose to fame for her stint in the South Korean girl group Miss A bago nagsolo last year.

Dating girlfriend si Suzy ng Korean superstar na si Lee Min Ho na ngayon ay nasa military.

Read more...