Anak ni Gary nag-ala Lili Reinhart, biktima rin ng ‘magic’

 

UMEPAL ang singer na si Kiana Valenciano nang i-reveal niyang naging biktima rin siya ng photoshop.

‘Yan ang naging dating niya when she posted a message after Riverdale stars Lili Reinhart and Camila Mendes lambasted Cosmopolitan Philippines dahil sa pag-photoshop ng kanilang katawan.

“I too am a victim of being overly edited, which is why I’m so happy @lilireinhart and @CamilaMendes are standing up for themselves and against this. Beauty isn’t about size, shape, color. Embrace who you are. Love who you are guuuurl!!!! Be kind. Spread love!” Kiana said.

Sadly, lait ang inabot niya dahil bakit daw hindi siya pumalag noon sa ginawang pag-photoshop sa kanya. Ngayong may Hollywood stars na nag-complain ay nakisakay naman daw siya.

“Well you should have spoken up about it before!!”

“Now you feel like a victim but before these Hollywood stars spoke up, you yourself use photoshop to edit your photos!”

“Asus para lang i-mention/tag, mapansin nung 2 Hollywood stars at fans nila…asa ka pa girl. At sana nagsalita ka mag isa dati.”

“Feeling ka-level at barkada naman sa Hollywood stars tong si Kiana. Hahaha.”

‘Yan ang comments sa isang popular website.Teka, bakit ‘di mo pangalanan ang magazine na nag-photoshop sa iyo para magkaalaman na?

Read more...