Bianca 18 na, handa nang sumabaksa ma bagong hamon ng buhay


MAS maraming gustong gawin at patunayan ang Kapuso Drama Princess na si Bianca Umali nga-yong isa na siyang certified na dalaga. She just celebrated her 18th birthday last March 2.

Pero ang kanyang grand debut party ay ma-gaganap pa lang sa March 17 sa EDSA Shangri-La. Ang mga i-susuot niyang gowns ay ginawa ng Dubai-based Filipino designer na si Fay Reyes, styling by JP Dizon with her glam team Ting Duque and Aries Manal.

Sa pa-presscon ng GMA para sa bonggang debut ng Kambal Karibal lead star, sinabi ng dalaga na hands on siya sa preparasyon para sa event na ito. In fact, siya mismo ang nag-design ng isusuot niyang mga gown.

“I had a design in mind noon pa at matagal ko nang ipinakita sa kanya. They’re going to make it happen.

Nangga-ling po siya sa Dubai because mahirap po siyang gawin dito,” ani Bianca na mas lalo pang gumanda at sumeksi ngayon.

Ayaw pa niyang idetalye kung ano ang kulay o style na kanyang napiling gown dahil, “I want it to be a big surprise kasi talagang binigay ko na lahat ng efforts ko into it.”

Samantala, ilan mga magiging bahagi ng kanyang 18 roses ay sina Baeby Baste, Ryan A-goncillo, Mike Tan, Rodjun Cruz at siyempre ang kanyang leading man sa Kambal Karibal na si Miguel Tanfelix. Ka-join din sa 18 Roses ang GMA executive na si Joey Abacan at ang mga Kapuso director na sina Dominic Zapata at Dom Michael Perez.

Nagsi-mula si Bianca sa showbiz sa murang edad at unti-unti niyang natupad ang kanyang mumunting pangarap, at ngayong 18 na siya, she looks forward to more challenges and growth as an artist.

“I am entering the adult life and that is a bit intimidating, but if I keep learning and getting support from the people I love, I don’t have to worry.

“I have goals I want to achieve and I’m excited to discover more of myself as I accomplish each of them,” sey ng dalaga.

Nagpasalamat si Bianca sa Kapuso Network, sa GMA Artist Center at sa lahat ng mga taong mula noon at hanggang ngayon ay patuloy na sumusuporta sa kanya at sa tambalan nila ni Miguel. Super happy din siya dahil sa tagumpay ng serye nilang Kambal Karibal.

But apart from being a talented actress, the Kapuso star takes pride in being an advocate for education. Noong 2016, naging bahagi sila ni Miguel sa adbokasiyang “Pass A Book Ni Biguel” project.

Nanawagan sila sa kanilang fans at social media followers na mag-donate ng kanilang pre-loved books para ibigay naman sa mga napili nilang public schools sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Kung matatandaan, last year naman ay napili siya bilang World Vision Youth Ambassador for Education. Isa si Bianca sa mga kabataang artista ngayon na patuloy na nagpapahalaga sa edukasyon.

Samantala, tungkol naman sa pagpapaseksi, willing naman si Bianca na sumabak sa mga level-up na projects pero siyempre may limitations pa rin kahit 18 na siya.

Kamakailan, nag-trending sa socmed ang 2-piece bikini photo ng Kapuso star na kuha sa isang resort sa Sorsogon. Kaya naman ang tanong namin sa kanya ay kung magi-ging madalas na ang pagpo-post niya ng sexy photos sa Instagram.

Aniya, “Hindi naman, ipinost ko lang naman yun kasi gusto ko, kasi ang ganda-ganda ng lugar at ang saya lang. Hindi ko naman ipinost yun kasi gusto ko nang magpa-sexy or what kasi 18 na ako.”

Bianca also thanks Nikki Duque & Roy Cervantes, Niceprint Photography, The Events Studio of Gideon Hermosa, C&L Decor, Arteegram Manila, MAC Cosmetics, Events Embassy, Honeyglaze Cakes, Luce Acustico, Print Divas, The Addlib, The Concept Room Studio, Sweet Couple Bakery, Bum, Zanea, Calayan, Converse, Technomarine, Ellips,

Read more...