‘Baron wala nang pag-asang magbago, pagpapa-rehab wa epek!’

HOW do you solve a problem like Baron (Geisler)?

Like history repeating itself ay sangkot na naman si Baron sa gulo, this time in a family issue leading to his arrest.

Para sa amin, sukdulan na yata ang misdemeanor ni Baron na pati kaanak niya’y wala siyang patawad.

Mabibigyan pa namin ng palsong katwiran ang mga engkuwentro niya in the past, with co-actors and ordinary people. But with his family members, such seemingly deranged behavior is beyond space.

If you hardly knew Baron from Adam, agad mong kakaawaan ang kanyang bugbog-saradong itsura after his encounter with his brother-in-law. Bukod sa isusumpa mo ang kanyang bayaw for manhandling him ay kukuwestiyunin mo rin kung ano—nang mga sandaling ‘yon—ang ginawa ng kanyang kapatid na si Grace, nanonood lang at nakatunga-nga?

Pero naroon na kasi ang stigma, this has stuck to the outer and inner skin of Baron batay sa kanyang track record. Baron has figured in fights he has initiated and provoked himself.

While the culprit appears to be his excessive pagwawalwal, excuse me, gasgas na ang paalala sa mga alipin ng alak: huwag sa utak kundi sa tiyan ilagay ang alak.

If this were a commandment, paulit-ulit na itong nila-labag ni Baron. At kung meron mang “forgiver” to this sin ay magsasawa at manghihinawa na rin itong patawarin siya.

Pardon the phrase, pero para sa amin ay isa nang “hopeless case” si Baron.

Mukhang no amount of rehab, nor detox, nor a-nother suspension by PAMI, nor soul-searching, nor self-exile in a secluded island o kung anupaman can reform or transform him.

Nu’ng nag-first death anniversary ang kanyang ina ay kung anu-ano pang emote ang nalalaman si Baron. Lest he forget, habang nakaratay noon sa banig ng karamdaman ang nanay niya, this was around the time na naggagu-gaguhan siya on the set of a film he was doing.

On his soc-med account ay kesyo nami-miss niya ang alaala ng ina, pero huwag ka, it was his sister Grace who blew the whistle na noon palang maysakit at nasa hospital bed ang kanilang ina ay nakuha pa niya itong pagbuhatan ng kamay!

Much later na nangyari ‘yung sanhi ng pambubugbog sa kanya ng bayaw niya, asawa ni Grace. Ultimo raw kasi anak niya (bale pamangkin ni Baron) ay binobosohan niya.

That’s alcoholism plus voyeurism equals mental aberration, para sa amin.

At sa halip ngang umani ng pagkaawa si Baron mula sa mga netizens who saw him black-and-blue, hayun, nagbubunyi pa ang mga ito, wanting to see him pay the consequences for his actions.

Sa takbo ng buhay (na patapon?) ni Baron ay masisira ang sinumang magtatangkang isalin ito sa isang drama anthology o pelikula.

While we judge a good story involving a baddie based on its redeeming value, parang wala kaming nakikitang element of redemption sa kuwento ni Baron.

Ideally sana, redemption should come after detention. Mabuti pa ang aming 29 year-old male neighbor na kalalabas lang mula sa bilangguan pagka-tapos ng tatlong taon on drug charges.

Nagsisisi at sumusumpa na siya na magpapakatino na alang-alang sa kanyang limang taong gulang na anak.

Eh, si Baron? He doesn’t need to languish in jail nor have a child to reform his life.

Read more...