Negros Oriental niyanig ng magnitude 3.4 lindol

   Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.4 ang Negros Oriental ngayong hapon.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol ala-1:01 ng hapon. Ang sentro nito ay 17 kilometro sa kanluran ng bayan ng Bais City.
    May lalim itong isang kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
    Nagresulta ito sa paggalaw na may lakas na Intensity III sa Tanjay City at bayan ng Mabinay.
    Intensity II naman ang naramdaman sa Bais City.

Read more...