“It’s nothing but a preliminary action of the DOJ. Ang napansin ko lang dun karamihan yung medyo matatagal ng opisyal ng CPP/NPA/NDF (Communist Party of the Philippines/ New People’s Army/National Democratic Front of the Philippines) sila Baylosis, mag-asawang Tiamzon,” sabi ni Lacson sa isang panayam sa dzBB.
Tinawag pa ni Lacson na trabahong tamad ang ginawa ng DOJ.
“Karamihan (sa nasa petition) yung mga leaders eh, mas maganda leaders sa ground. Kailangan pa ng malawakang pag-imbestiga at intelligence work. Dun nagkulang ang petition… Pwede ko ngang sabihin parang trabahong tamad eh. Ang ginawa nila old files, yung mga files na inaamag sa court,” dagdag ni Lacson.
Kabilang sa listahan ng DOJ ay sina Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, ang umano’y lider ng CPP na sina Benito at Wilma Tiamzon, UN Special Rapporteur Victiora Tauli-Corpus at indigenous peoples’ rights advocates Beverly Longid, Windell Bolingit at abogadong si Jose Molintas.
MOST READ
LATEST STORIES