Bato kay Bistek: Sana siya na lang mayor ng buong Pinas!

RONALD “BATO” DELA ROSA AT HERBERT BAUTISTA

PINAPURIHAN ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa si Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil sa walang sawang suporta ng opisyal sa kapulisan sa pagsugpo ng krimen.

Ang pagsaludo ni Gen. Bato kay Mayor HB ay ibinahagi niya sa kanyang speech sa turn over ng patrol cars sa Camp Tomas Karingal nitong nakaraang mga araw.

“Sana si Mayor Bautista na lang ang mayor ng buong Pilipinas para lahat ng police stations ay fully-equipped,” ani Gen. Bato sa isang panayam na inilabas ng metromanilapolitics.com.

Bukod sa patrol cars, ayon kay Mayor Bautista, bibili rin ang Q.C. ng 500 clock pistols, 500 bullet proof vests, 180 motorcycles at anti-cyber crime equipment para sa mga pulis.

Read more...