Singer-actress wanted sa inutangang bading: P3,000 lang hindi pa mabayaran


KAPAG mga becki ang magkakasama sa umpukan ay maaasahan nang puro halakhakan ang maririnig sa paligid. Walang patumanggang hagalpakan dahil may kani-kanyang kuwento ang mga bading.

Marami silang kuwentong pinagbibidahan ng mga sikat na personalidad, alam na alam nila ang istorya dahil sila mismo ang nakasaksi sa mga kakuwanan ng mga artista, tulad na lang sa isang singer-actress na nakasama na nila sa iba-ibang proyekto.

Kuwento ng isang becki sa umpukan, “Nakow, nakasama na namin siya sa shooting ng isang movie niya. Nakakalorkey ang babaeng ‘yun, marami siyang dramang mahirap sakyan!

“Kunwari, bigla na lang siyang mawawala sa set, hanapan na nang hanapan ang staff ng production, pero hindi siya makita-kita! Ang ending, nasa CR pala siya, may ginagawang milagro!

“At ano ang milagrong ginagawa niya? Naku, mag-usap kayo ng isa niyang dating kasama, hindi nakatagal sa kanya ang taong ‘yun, dahil hindi siya kayang sabayan sa mga nakakaloka niyang ginagawa!

“Nasa CR siya, mag-isang nandu’n, paglabas niya, e, buhay na buhay na naman ang dugo niya! Magaslaw na naman siyang gumalaw, wala na namang tulugan ito!” natatawang kuwento ng isang becki sa umpukan.

Kuwento naman ng isang becki ay isa siya sa mga nautangan ng singer-actress nu’ng mag-shooting sila sa isang malayong probinsiya.

Wala pa kuno ang kanyang datung, hindi pa ibinibigay ng producer, babayaran niya raw agad ang datung na inutang niya sa impormante.

“Deadma lang siya sa inutangan niya, parang walang nangyaring utangan, wait naman nang wait ang inutangan, nahihiya siyang maningil, may kusa raw naman siguro ang nangutang sa kanya.

“Nu’ng pauwi na sila, e, nilapitan siya ng inutangan niya, ang sabi, ‘Ate chuchu, puwede ko na po bang kunin ang datung na hiniram n’yo?’ Ang sagot naman ni ate chuchu, ‘Ay, wala akong cash, check ang ipinambayad sa akin, ibigay mo sa akin ang number mo, kapag napapalitan ko na ang check, tatawagan kita.’

“Hindi totoong check ang tinanggap niya, cold cash! Hanggang sa makabalik na sila sa Manila, e, wala na siyang natanggap na tawag mula sa singer-actress! Nakakaloka siya, three thousand pesos, kailangan pa niyang utangin?

“Ano ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, lokohan? Pangaralan n’yo ang ate chuchu n’yo na ‘yan, ha?” pagtatapos ng humahalakhak naming source.

Read more...