KC sa break-up nila ni Aly: Move on na ako and spread my wings!


BUKAS pa rin si KC Concepcion sa posibilidad ng pakikipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend na si Aly Borromeo.

Kahapon, nag-post na ang singer-actress sa kanyang Instagram account ng black-and-white photo nila ni Aly na nagpapatunay na totoong hiwalay na sila ng dating Azkals player.

Nilagyan niya ito ng caption na: “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then. Timing is everything.

“As for me, I’ve decided to fully support him at the same time move on and spread my wings,” pahayag pa ni KC.

Nauna rito, sinabi ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na nagkanya-kanya na sila ng buhay ng kanyang ex-boyfriend. Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng dalaga na maayos naman ang paghihiwalay nila ng binata.

“The good thing with Aly is that it doesn’t really get so dramatic. His mental space, his mind is really with sports and his career right now.

“I know that he needs that to be able to be a really good partner to have,” post pa ni KC.

Read more...