Horoscope, March 09, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging maligaya at ubod ng suwerte ang araw na ito kung magsusuot ng red. Sa pag-ibig, hindi makakatanggi ang minamahal kapag nakasuot ka ng pulang underwear. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng pera habang ikaw ay nakapula. Mapalad ang 3, 6, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Bukod sa red buenas ang green.

Aries – (Marso 21-April 19) — Anoman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang pakiramdam, mas masarap na romansa ang makakamit. Tuloy naman ang dating ng materyal na bagay sa payapang isipan. Mapalad ang 9, 18, 21, 30, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Mga di inaasahang suwerte ang darating! Isang Libra ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligo at maghilod na mabuti at magpalit ng underwear! Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Red at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansiyal, pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng pera. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, may sarili siyang pagkatao. Mapalad ang 5, 14, 23, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang ipatupad ang mga bagong diskarte na noong mo pa iniisip. Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangan upan lalong makiliti ang minamahal. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ang lakas ng loob at pagiging atribida ang hihigop ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Ituloy mo lang ang dati ng ginagawa kahit na maraming komokontra. Ang sarili pasya mo pa rin ang dapat masunod upang mahawakan mo na ang malaking halaga na matagal ng nakalaan sa iyo. Mapalad ang 1, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata-Om.” Green at brown ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Dagdagan mo pa ang pagsisipag, dahil panahon mo ngayon, habang nagsisikap tuloy-tuloy na madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 7, 14, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Simple lang ang sekreto ng pagyaman. Mag-tabi muna ng savings, bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-bukas ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 6, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Tama ang iniisip mong lumayo sa lipunan. Lagi namang gastos lang ang mapapala sa kung saan-saan lakaran at gimmikan. Ang paga-outing ng pamilya na noon pa plinapano ay ayos na, alalahanin mong mahirap kitaan ang pera. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo dahil baka makahata na siyang lagi mo siyang pinapangunahan. Mapalad ang 9, 14, 16, 28, 35 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Lilac at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ituon ang isip sa iisang gawain lamang! Sa pinansiyal, basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy lalo pang lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid sa inyong relasyon, wag kang bibitaw – sa bandang huli kapwa din kayo magiging maligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy ang pagiging masinop, upang lalo pang yumaman, ganon paman upang patuloy kang pagpalain ni Lord, wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Tama ang ginagawa mong laging bukas palad at handang tumulong upang ang suwerte at magagandang kapalaran ay patuloy ding ipagkaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang 4, 16, 22, 36, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Gold at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Tama ang iniisip mo, sa pagtitiyaga mas madaling makakamit ang tagumpay. Sinop-sinop lang ng kabuhayan ang pormula upang yumaman. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa mapahihinuhod mo rin sa iyong kagustuhan ang kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Om.” Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Anoman ang problema, tandaang lilipas din yan! Kapag nakahawak ng malaking halaga, bayaran na agad ang mga pagkakautang. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyo, kaya ka niya laging kinokontra nangangamba lamang siyang baga mabigo at malungkot ka. Mapalad ang 7, 16, 27, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Blue at purple ang buenas.

Read more...