Malaysian Birit Queen idol na idol si Regine; nag-eenjoy sa Pinas

MIN YASMIN

KUNG mabibigyan ng chance, gustung-gusto ng Malaysian Birit Queen na si Min Yamsin na maka-collaborate ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Bilib na bilib daw siya sa galing at style ni Regine sa pagkanta at wish niyang maka-duet ang Songbird sa mga susunod niyang projects dito sa Pilipinas. Sa katunayan, nalungkot siya nu’ng hindi niya napanood ang 30th anniversary concert ni Regine.

“Nagka-problem kasi sa schedule, but I really want to watch her. Pero napanood ko naman siya during the concert of Morisette in Araneta Coliseum and she was really, really good. Same as Morisette!” papuri ni Min Yasmin sa dalawang Pinay singer.

Nakachikahan namin si Min recently nang maging guest performer siya sa opening ng Bless Las Paellas resto na matatagpuan sa Vista Mall sa Taguig. Kaibigan niya ang isa sa may-ari nitong si Jessie Maloles.

Nagkakilala sila nang sumali si Jessie sa Mrs. Philippines International na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nanalo siyang first runner-up.

In fairness, mainit ang pagtanggap ng mga dumalo sa opening ng Bless Las Paellas kay Min Yasmin na muling nagpamalas ng kanyang galing sa pagkanta ng mga Tagalog songs. Napaka-powerful naman kasi ng voice ng Malaysian singer na kilala rin sa kanilang bansa bilang Soundtrack Singer.

She appeared in numerous Malaysian OSTs, teleserye and movies and she is among Malaysia’s established singers under the record label JULFEKAR Music owned by her husband Julfekar who is also a songwriter and producer.

Nasa bansa pa rin si Min Yasmin para sa promo ng kanyang first solo Philippine album “Pangarap” kung saan nakapaloob ang ilang komposisyon ng Julfekar Music at ng award-winning Pinoy songwriter na si Vehnee Saturno. Pinaplano na rin ang gagawin niyang concert sa bansa ngayong taon.

Kabilang sa mga Tagalog songs na mapapakinggan sa kanyang album ang “Bakit Pa” at “Kahing Konting Awa”, “Pangarap” at marami pang iba. Mabibili na sa inyong favorite record bars ang album ni Min at mada-download na rin ito sa mga digital music stores.

Min Yasmin has been awarded as an Outstanding Asian Singer 2015 by Gawad Sulo Ng Bayan Awards and was also chosen as a Music Ambassador 2015. This award was given in Manila on November, 2015.

Read more...