Maymay emosyonal sa throwback PBB photo: Mahal na mahal ko kayo!

MAYMAY ENTRATA

NAGBALIK-TANAW ang PBB Lucky Season 7 Big Winner na si Maymay Entrata sa kanyang showbiz career kasabay ng pagpapasalamat niya sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa kanya at sa loveteam nila ni Edward Barber.

Sa Instagram, naging emosyonal ang dalaga sa pagse-share ng mensahe sa kanyang mga followers lalo na ang mga MayWard fans na walang-sawang nagmamahal sa kanila ni Edward.

Narito ang madamdaming IG post ni Maymay: “Parang kailan lang isang taon na pala ang nakalipas simula nung nanalo tayo sa PBB. Kayo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ‘di ko makakalimutan ang magandang alaala natin sa journey na ‘to.

“Lahat ng patuloy na nagmamahal at suporta niyo sa kin, habang buhay ay saludo ako sa inyo. At sa lahat na naging bahagi ng aking tagumpay mahal na mahal kayo.”

Bukod sa blockbuster movie nila ni Edward with Kisses Delavin and Marco Gallo na “Loving In Tandem” at sa unang teleserye nilang La Luna Sangre, naging matagumpay din ang first major solo concert niyang “The Dream” na ginanap sa KIA Theatre kamakailan.

Message ni Maymay sa lahat ng mga nanood, “Sobrang worth it po talaga dahil hindi ko akalain na mapasaya ko talaga sila. Tsaka binigay ko talaga buong buhay ko, buong espiritu ko, iba’t ibang espiritu binigay ko na lahat.”

Read more...