Palasyo ikinatuwa ang pagsasampa ng tax evasion vs Rappler

 

SINABI ng Palasyo na dapat managot ang online news site na Rappler sakaling hindi nga ito nagbayad ng tamang buwis matapos namang sampahan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).
“Well, ano pong reaksiyon natin diyan kung hindi ang batas pinapatupad. Kung mayroon talagang hindi nabayarang buwis dapat managot at kung ako naman ay nakatanggap siguro ng ganoong kalaking halaga na $1.5 million, ako mismo magbabayad na ako ng buwis,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito’y matapos akusahan ang Rappler ng BIR ng hindi pagbabayad ng tamang buwis noong 2015.

Read more...