Horoscope, March 08, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Susubukin ka ng kapalaran, sa sandaling napagtiisan mo ang lahat ng hirap, ang mga taong isinilang sa petsang 8 ay talaga namang yumayaman. Kahit ano ang mangyari, wag susuko, dahil hindi lang basta yaman ang mapapasa iyo kundi ubod talaga ng yaman. Mapalad ang 4, 8, 25, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Teneo-Om.” Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa ibang bansa, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tiisin munang malayo sa mga minamahal, kailangan mong gawin iyan para sa kinabukasan ng pamilya. Mapalad ang 4, 15, 25, 34, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pranave-Beeja-Om.” Beige at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Kung magpapa-gandang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung lagi kang beauty, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 12, 28, 31, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Orange at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Competition ang dapat upang umunlad at yumaman. Kapag may nakakalaban ka at nakakabangga lalong sisigla ang iyong kapalaran. Sa pag-ibig sa panahong ito ng tag-araw, tuloy ang maliga at mainit na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Mantel.” Blue at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Huwag tularan ang pagong, laging nagtatago sa kanyang bahay. Mas madadagdagan ang oportunidad ng pagkakakitaan kung makikihalubilo sa lipunan. Sa pag-ibig sa isang political gathering mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Wag magtiwala kung kani-kanino, suwerte ka sa mga nilalang na isinilang sa petsang 7, 16 at 25. Sa pag-ibig, kusa kang maaakit ng mga taong may birth date na 4, 13, 22, at 31. Ang mga petsa sa itaas ang siya ring mapalad mong numero. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Yellow at gold ang bueans.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kailangang gamitin ang talino! Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang pairalin, gumamit ng rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Jaya-Om.” Violet at magenta ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Wag masyadong maging mahilig sa pagkain. Sa pinansiyal, mentras sexy at malusog kang tingnan mas maraming salapi ang darating. Sa pag-ibig, laging mag-exercise upang hindi maging chubby at dalasan din ang pagniniig. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Maroon at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — May manghihikayat na naman sa ‘yo para magnegosyo, mag-ingat, may babala na ma-racket ka na naman. Sa pag-ibig ngayong tag-araw, tuloy-tuloy na ang kaligayahang nararamdaman hanggang sa sumapit pa ang tag-ulan. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ipayapa ang isipan. Nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal. Imbis na guluhin ang isipan sa labis na pag-aalala mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan at pinagkakakitaan. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Huwag hayaang mangibabaw ang katigasan ng ulo. Sundin kung ano ang tama, sa ganyang paraan lalo kang yayaman at uunlad. Sa tamang pag-ibig at sa tamang nilalang, makakatulong mo ang iyong kasuyo upang lalo pa kayong yumaman. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi dapat magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iba. Panahon na upang lumaban! Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprioridad. At dapat ka na ring lumaya sa impluwensya ng ibang tao. Mapalad ang 9, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Devah-Om.” Pink at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Panindigan ang sinabi noong nagdaang mga araw. Tuparin ang ipinangako sa minamahal na mamasyal kayo sa isang romantic na lugar. Sa pinansiyal, iwasang magpabago-bago ng isipan upang lalo pang lumago ang kabuhayan. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Read more...