PUMANAW na ang stage actor and movie actor na si Bernardo Bernardo kahapon sa edad na 73 ayon sa post ng isa niyang pamangkin na babae sa Facebook, si Susan Vecina Santos.
Natuklasan ng kanyang doctor na meron siyang tumor sa pancreas kaya nitong mga nakaraang buwan, nagtulung-tulong ang ilan niyang kaibigan sa showbiz na nagsagawa ng fund raising sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato bilang tulong-pinansyal sa panggastos sa ospital.
Tumatak ang pangalan ni Bernie (tawag sa kanya) sa movie industry nang gawin niya ang Regal movie na “City After Dark” ng yumaong si Ishmael Bernal nu’ng 1980. Nagwagi siya ng Best Actor mula sa Gawad Urian.
Huling napanood si Bernie sa festival movie na “Ang Larawan.”
Nagdiwang ng kanyang ika-73 kaarawan ang beteranong aktor noong nakaraang Enero.
Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kaibigan niya sa industriya ng pelikula, telebisyon at sa teatro.
Ang labi ni Bernardo ay ilalagak sa St. Peter’s Memorial Chape sa Quezon Avenue. Ang ang pakikiramay sa kanyang mga naulila.