Tribute ni Bitoy sa kamatayan ni Francis trending


NANGUNA ang Eat Bulaga Dabarkads sa pag-alala sa 9th death anniversary ng Master Rapper na si Francis Magalona nu’ng Martes, Marso 6.

Pero ang pa-tribute ni Michael V na isang sketch ng kaibigan ang humamig ng magagandang reaction mula sa ilang celebrities gaya nina Ryan Agoncillo, Tom Rodriguez, Allan K, Chynna Ortaleza at Benjamin Alves. Sa loob ng 15 minutes, natapos ni Bitoy ang sketch ni Francis.

Ang asawa namang si Pia Magalona, ibinahagi sa kanyang Instagram ang mensahe kay Francis kalakip ang luma nilang picture together.

“#FrancisMForever Oct, 4, 1964-March 6, 2009. You left us with your music, but – as Father said at the mass last Sunday – you also left behind your greatest legacy, your family.

“We love each other the way you taught us to, and you are always in our hearts. Cheers in heave,” caption ni Pia sa kanyang IG photo.

Ito naman ang madamdaming mensahe ni Maxene Magalona para sa kanyang tatay na kanyang ipinost sa IG with their picture together noong bata pa siya.

“March 6, 2009 was the day you joined God in heaven. Nine years later, here we all are still honoring you and your legacy which we will continue doing for the rest of our lives. Thank you for always watching over us, papa! We love and miss you!” post ni Maxene.

Nabahiran nga lang ng lungkot ang pag-alala sa kamatayan ni Kiko dahil namatay ang apo niyang babae sa kanyang anak na si Saab Magalona. Ang labi ng bata ay itinabi sa puntod ng kanyang lolo.

Samantala, ang anak na lalaki naman ni Saab ay bumubuti na ang kalagayan ngunit nananatili pa rin daw ang sanggol sa intensive care unit ng ospital.

q q q

Totoo ang tsismis na ober da bakod na sa Kapuso Network ang Kapamilya star na si Devon Seron.

Umapir na siya sa episode preview ng GMA romcom series at take note, kasabay niyang lalabas sa series si Pancho Magno, asawa ng isa sa cast na si Max Collins.

Eh, sina Devon at Pancho ang magkasama sa eksena. Feeling jealous naman kunwari si Max habang kasama ni Pancho si Devon.

Caption sa Instagram ng GMA Network sa foto na parang inaaway ni Max si Devon na katabi si Pancho, “Kalma lang, Darcy! Ano ang nangyayari sa ‘yo?”

Taong 2010 nang sumali si Devon sa Pinoy Big Brother at nag-landing sa ikaapat na puwesto. Siya rin ang unang naka-loveteam ni James Reid.

Read more...