1 wagi ng P26M sa lotto 6/42

Isa ang nanalo ng P26 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola kagabi.
    Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 05-39-37-30-04-23.
    Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO.
      Sampung mananaya naman ang nanalo ng tig-P25,000 matapos na makuha ang lima sa anim na numerong lumabas.
    Tig-P860 naman ang napanalunan ng 699 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 15,531 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...