Bianca Umali game na game na rin sa pagpapaseksi

Larawan mula sa Instagram/ @bianxa

PINAGPIYESTAHAN ng mga netizen, lalo na ng mga kalalakihan ang petmalu na bikini photo ng Kapuso youngstar na si Bianca Umali.

Kuha ang nasabing litrato sa isang beach resort sa Sorsogon kung saan ginanap ang kasal ng kanyang kapatid na si Anton Umali.

Ipinost ito ng dalaga sa kanyang Instagram account na umani ng sandamakmak na likes at comments mula sa kanyang mga followers.

Mukhang wala na ring arte si Bianca sa pagpapaseksi, ha! Talagang game na game siyang nagpasilip ng kanyang katawan sa kanyang mga fans. Ano kaya ang reaksyon dito ng kanyang ka-loveteam na si Miguel Tanfelix? Sure na sure kaming very proud ang binata kay Bianca.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang 18th birthday si Bianca. Isang birthday salubong ang iniregalo sa kanya ng production team ng Kambal Karibal kasama si Miguel at ang iba pa nilang co-stars. Magkakaroon ng bonggang debut si Bianca later this month.

Kung medyo nabitin naman kayo sa bikini photo ni Bianca, tumutok lang kayo sa GMA Telebabad series na Kambal Karibal dahil may pa-swimsuit uli ang Kapuso actress sa mga susunod niyang eksena.
First time gagawin ni Bianca ang mag-swimsuit on national TV para sa eksena nila ng magaling na kontrabidang si Kyline Alcantara sa Kambal Karibal.

Kung bakit siya naka-swimsuit dito at kung anong magaganap sa pagitan nila ni Kyline, yan ang dapat n’yong abangan dahil siguradong ikababaliw daw ng mga viewers ang tagpong ito.

Bukod dito, may isa pang malaking pasabog ang Kambal Karibal sa mga susunod na episodes kaya huwag na huwag na kayong bibitiw sa pagpapatuloy ng kuwento ng programa.

Kasama pa rin sa KK sina Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gloria Romero at marami pang iba.

q q q

Nagpatuloy ang pagwawagi ng GMA Network sa nationwide TV ratings ayon pa rin sa latest data mula sa pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.

Nitong Pebrero, nanatili pa ring most watched TV station ang GMA na nagtala ng average total day people audience share na 43.6 percent sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM).

Nakapagtala naman ng 42.5 percent people audience share ang GMA sa morning block sa NUTAM na mataas kumpara sa 33.7 percent ng ABS. Samantala, naging mas mataas naman ang lamang ng GMA sa afternoon block na may 48.4 percent laban sa 35.3 percent ng ABS.

Sa Urban Luzon, nakakuha ang GMA ng 49.1 percent total day people audience share. Sa Mega Manila, Kapuso pa rin ang nangunguna na may 52.1 percent.

Namayagpag pa rin nitong Pebrero bilang most-watched GMA program nationwide ang award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho na sinundan ng Magpakailanman, Kambal Karibal, Pepito Manaloto, 24 Oras, Sherlock Jr., All-Star Videoke, Daig Kayo ng Lola Ko, at Ika-6 na Utos.

Kabilang din sa mga consistent na mataas sa ratings ang Sirkus, The One That Got Away, The Stepdaughters, 24 Oras Weekend, Eat Bulaga, Tadhana, Impostora, Sunday Pinasaya, at Haplos.

Sa listahan ng top programs sa Urban Luzon, walong (8) Kapuso shows ang pasok sa top 10 habang nakuha rin ng GMA ang top 9 spots sa Mega Manila.

Read more...