Hiyang-hiya na raw si Derek Ramsay kay Danita Paner. Ayaw pa rin kasing tumigil ang mga isyu na nagli-link sa kanilang dalawa. Patuloy ang tsismis na may relasyon na sila ni Danita at itinatago lang daw nila ito sa mga tao.
Ayon kay Derek wala raw silang relasyon ng Kapatid actress, “Patayin na natin yung isyung yan, hindi rin totoo yun you know kawawa naman din si Danita nadadamay pa yung pangalan, huwag na nating palakihin yan, ‘no?
“Hindi ko siya nililigawan, I only hung out with Danita twice, we’re friends at sana hindi na makaladkad ang pangalan niya, nakakahiya na sa tao,” paglilinaw pa ng hunk actor na magkakaroon na ng bagong serye sa TV5, ang Undercover.
Nagsimula na last week ang taping ng Undercover na ayon kay Derek ay mala-“Fast and the Furious” ang tema dahil sa dami ng action scenes.