Pinawi ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao ang mga pangamba na magiging target ang National Capital Region (NCR) matapos ang pagkakahuli sa Maute subleader na si Nasser Lomondot alyas Muhamad Lomondot.
“Pero yung kanyang pagpunta dito sa Manila should not be a cause for alarm for our citizens dahil ang ating Philippine National Police naman and ang AFP (Armed Forces of the Philippines) are on our toes, we are in control of the situation,” sabi ni Bulalacao sa panayam ng Radyo Inquirer.
Noong Lunes, iprinisinta ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa si Lomondot sa media sa isang press conference sa Camp Crame.
Naaresto si Lomondot at kanyang misis na si Raisalam Lomondot sa kanilang puwesto ng mga damit sa Recto, Maynila.
Sinabi ni dela Rosa na nakatakas si Lomondot sa kasagsagan ng paglusob ng teroristang Maute noong isang taon.